Kabanata 1

•January 9, 2008 • 48 Comments

Kabanata 1: Sa Kubyerta
“sic itur ad astra”
Ganito ang landas ng mga Bituin

Isang umaga ng Disyembre, dumadaan sa Pasig ang Bapor Tabo lulan ang mga pasahero patungong Laguna:

 Mabigat, bilog at halos hugis tabo ang bapor na pinagmulan ng pangalan nito, marusing ang kabila ng pagkukunwaring maputi, ngunit maharlika at kapita-kapitagan dahil sa kabagalan. Isang tagumpay laban sa kaunlaran- isang bapor na hindi naman ganap na bapor; isang organismong hindi nagbabago; hindi buo ngunit hindi mapasusubalian; at kapag nais magpakitang umuunlad, buong kasiyahan nang ipinagmamalaki ang isang pahid ng pintura.

 Mahahalintuad sa Estado sapagkat may hirarkiya ang mga pasahero: Mga intsik at indio sa ibaba kasama ng mga kalakal at mga empleado ng pamahalaan, prayle at mga mahahalagang tao sa kubyerta.

 Kapitan ng Barko: dating marino na pumalaot na sa mga malalaking dagat, bagamat matanda siya ay magiliw at ngayon para bang nag-aalaga na lamang ng bapor na sumpungin, matigas ang ulo at tamad pa.

 Donya Victorina – tanging babaeng nakaupo sa piling ng mga Europeo. Nilait lang Tabo dahil sa kabagalan ng takbo nito at sinabing mas mabuti pa sana kung wala na lang mga Indiong nabuhay sa mundo, hindi alintana na ang mga timonero at ang 99 porsiyento ng mga sakay nito ay mga Pilipino na tulad niya rin (kung tatanggalin ang makapal na kolorete sa mukha at mayayabang na damit.) Nandito siya sapagkat may nakapag sabi na nasa Laguna ang kanyang asawang si Don Tiburcio de Espadana at nais niya itong akiting umuwi sa kanila sa pamamagitan ng kanyang bagong kulot na buhok.

Mga Nasa Kubyerta:

Tatlong Fraile –uurong daw ang buong mundo kapag dumating ang araw na pumunta sila sa kanan

Don Custodio – payapang natutulog at nasisiyahan sa kanyang mga proyekto

Ben Zayb (anagrama ng Ibanez) – isang manunulat na naniniwalang nag-iisip ang Maynila sapagkat siya ay nag-iisip

Simoun – ipinalalagay na tagapayo at tagabulong ng lahat ng kilos ng Kapitan Heneral.

Ang Pagtatalo:

Nakikipagtalo si Padre Camorra ( prayle na mukhang artilyero) kay Ben Zayb at sinasabi ang proyekto ng isang prayle sa Puente Del Capricho na hindi natuloy sapagkat sinabi ng mga alagad ng siyensya na hindi ito ligtas sa sakuna. Kulang daw ito sa tibay at mapanganib.

· Sumabat si Donya Victorina at sinabi na hindi tulay ang mga problema kundi wala kasing mabuting lawa ditto sa Pilipinas,

· Agad na sumagot si Simoun at sinabing madali lang ang solusyon sa problema nila: Humukay ng isang tuwid na kanal mukla sa luwasan hanggang hulo ng ilog, na magdaraan sa Maynila. Ang ibig sabihin nito ay gagawa ng bagong ilog at sasarhan ang matandang ilog. Makakatipid ng lupa, iikli ang paglalakbay, at mapipigil ang pagtubo ng mga balaho.

Sumagot naman si Don Custodio – sino ang gagawa? Kakailanganin ng malaking pera diyan sa proyektong iyan.

Simoun: ang mga preso at salarin ang magtatrabaho at kung kulang pa, lahat ay magtatrabaho at imbes na labinlimang araw lang ang Polo, gawin itong hanggang apat na buwan at pagbaunin na rin ng pagkain ang mga manggagawa

Don Custodio: Natakot at baka raw maghimagsik ang mga tao sa ganyang uri ng panukala.

Simoun: Sa ganitong paraan lamang maisasakatuparan ang malaking proyekto nang maliit ang puhunan. Hindi naman daw nag himagsik ang mga mamamayan ng Ehipto na gumawa ng mga Piramide tulad ng mga taong gumawa ng Koliseo sa Roma.

à Nagpatama pa ito kay Padre Salvi: Ano ang silbi ng mga prayle sa bansa kung hindi nila kayang pigilin ang mga rebolusyon?

Don Custodio: Mag-alaga na lang daw ng mga pato na kakain sa mga maliliit na suso sa ilalim ng lawa para lumalim ito ng walang gumagawa.

Donya Victorina: Nandiri sa mangyayari kapag nangyari ang panukala ni Don Custodio sapagkat dadami ang mga pato na magbubunga ng balot.

Kabanata 2

•January 9, 2008 • 23 Comments

Kabanata 2:Ibabang Kubyerta

Basilio – nakatatanda at nakasuot ng itim, estudyante ng Medisina , at kinikilala sa kaniyang mabuting panggagamot at kahanga-hangang pag-aalaga sa may-sakit.

Isagani – higit na mataas, higit na malusog bagamat mas nakababata kay Basilio. Isa ito sa mga makakata kung hindi man mambebersong lumitaw sa taong iyon sa Ateneo, may kakaibang ugali, karaniwang ayaw makipag-usap, at malimit sumpungin at hindi kumikibo.

à Kinakausap si Basilio ni Kapitan Basilio tungkol sa kalagayan ni Kapitan Tiago. Malubha na kasi si Kapitan Tiago sa opyo at dagdag pa nilang pinag usapan ang tungkol sa Academia de Castellano kung saan puro balakid ang mga naitanong ni Kapitan Basilio

Paano makukumbinsi na pahintulutan: Niregaluhan si Padre Irene ng isang pares na mga kastanyo para tumulong sa pagkumbinsi.

Pondo? Magbibigay ng isang real ang bawat mag-aaral

Propesor? Mga Filipino ang kalahati at mga Peninsular ang kalahati

Lugar? Ibinigay ni Makaraig ang isa sa mga bahay niya upang gawing paaralan

Dito nalaman na si Don Tiburcio ay nagtatago pala sa bahay ng Tiyuhin ni Isagani na si Padre Florentino.

Pakikipag-usap ni Simoun:

Inalok niyang uminom ang dalawa ng serbesa sapagkat sabi nga ni Padre Camorra ay mabuting uminom nito, ngunit tumanggi si Isagani at Basilio. Sumagot si Basilio na kung tubig na lang siguro ang iniinom ni Padre Camorra ay titigil ang mga usap-usapan tungkol sa kanya. Ang sagot naman ni Isagani ay: “ napakatamis ng tubig at naiinom, bagaman lumulunod sa alak at serbesa at pumapatay sa apoy. Nagiging singaw kapag pinainitan; kapag naligalig, nagiging karagatan na minsan nang pumuksa sa sangkatauhan at yumanig sa dibdib ng mundo!”

à dito tinawag ni basilio na Eminensya Negra o tagapayong Capuchino/ Eminensya Gris —si Simoun ng Kapitan Heneral

Si PADRE FLORENTINO:

Siya ang klerigo na tiyuhin ni Isagani

Mabuting kaibigan ng kanyang ina ang arsobispo kaya ipinangakong magiging saserdote ito. Sa gulang na 25, inorden siya nang arsobispo at noong namatay ang kanyang ina, iniwan sa kanya ang lahat ng kayamanan nito. Ilang linggo bago ang kanyang unang misa, nagpakasal sa iba ang kanyang mahal at dahil dito ay inilubog niya ang kanyang sarili sa kanyang parokya, at itinalaga sa sarili ang tungkulin sa kanyang mga nasasakupan. Nang maganap ang pangyayari noong 1872, iniwan niya ang kanyang parokya at nagretiro. Inampon niya ang kanyang pamangkin na si Isagani ( na sabi ng iba ay anak niya sa dating katipan nagn mabalo ito at ang ibang naka aalam naman ay nagsabing: anak daw ito ng isa niyang pinsan sa Maynila.

Kabanata 3

•January 9, 2008 • 14 Comments

Kabanata 3:Mga Alamat

Ich weiss nich was sol les bedeuten
Dass ich so traurig bin!
“Hindi ko batid ang kahulugan kaya lubha kong ikinalulumbay”

MGA ALAMAT:

1. Donya Jeronima – dati siyang kasintahan ng isang estudyante na nangakong magpapakasal sa kanya. Matagal siyang naghintay ngunit nakalimot ito kaya naman siya ay tumaba nang lubusan. Isang araw nakatanggap na lamang siya ng balita na arsobispo nap ala ang dating kasintahan at nang puntahan niya ito upang tuparin ang dating pangako, ngunit sa huli ay imposible na itong mangyari kaya naman nag-utos na lamang ang arsobispo na gumawa ng kweba para kay donya Jeronima. Sa sobrang katabaan daw nito, kailangan pang tumagilid para makapasok ito sa kweba at naging bantog din siyang engkantada, sapagkat may ugali daw itong maghagis sa ilog ng mga pinggan at kubyertos na pilak.

2. Buwaya na naging bato – nanalangin kay San Nicolas ang isang Tsino noong tumaob ang bangka niya at nasa aktong sasagpangin ng mga buwaya.

3. Alamat ng Malapad na Bato

4. Ang pagkamatay ni Ibarra

Kabanata 4

•January 9, 2008 • 25 Comments

Kabanata 4:Kabesang Tales

* Naninirahan sila dati sa pusod ng gubat. Si Tandang Selo, Telesforo –kanyang asawa at 3 anak. Isang araw hinawan nila ang gubat sa may hangganan ng bayan sapagkat akala nila’y wala naman itong may-ari at sa pangyayaring ito namatay ang kanyang asawa at panganay na anak dahil sa matinding lagnat. Noong umpisa walang pumapansin sa kanila nguning nang aani na sila sa unang pagkakataon, isang korporasyong relihiyoso na may-ari ng mga lupain sa karatig-bayan ang umangkin sa kanilang taniman at iginiit na sakop ito ng hangganan nila. Bagama’t hindi ito binawi kina Tales, pinagbayad naman sila ng taunang buwis na 20 o 30 piso.

* Pumayag sila at nagbayad hanggang sa tumaas ng tumaas ang singil at ginawa siyang Kabesa o taga kolekta ng buwis. Dahil dito naglugi siya ng malaki sapagkat pag may mga hindi nagbabayad, siya din ang nagpupuno dito galing sa kanyang sariling bulsa. Isinali sa Itinaas ang upa sa dalawandaang piso at dito na tumutol si Tales. Sinabi niya na hanggang walang nakakapaghukay at nakakapag araro sa lupa niya ng dugo at nawalan ng asawa at anak, hindi niya ito ibibigay.

* sinampahan niya ito ng asunto at inubos ang pera sa pag arkila ng mga abogado. Hindi na nakapag aral si Juli sa Maynila at hindi rin natubos si Tano sa hukbo ng pag ka gwardiya sibil. Sa kahuli hulihan, nakidnap si Tales at humingi ang mga tulisan ng limangdaang piso kapalit ng kanyang paglaya. Ibinenta nila Juli at tandang Selo ang lahat ng kagamitan nila ngunit kulang parin kaya namasukan si Juli kay Hermana Bali upang punan ang 250 Piso na kulang.

Kabanata 5

•January 9, 2008 • 30 Comments

Kabanata 5: Ang Nochebuena ng Isang Kutsero

Sinong – ang kutsero ni Basilio na kinulata ng mga guwardiya SIbil sapagkat naiwan niya ang kanyang sedula.
Mga Santo sa Prusisyon:
Matusalem
Gaspar, Baltazar, Melchor
San Jose
Birheng nakasuot ng Divina Pastora

Kabanata 6

•January 9, 2008 • 19 Comments

Kabanata 6: Basilio

Madilim ang gabi at si Basilio ay patuloy na naglalakad tungo sa kadiliman, makalipas ang kalahating oras sumapit siya sa isang batis kung saan may nakatindig na tila punso sa kabilang pampang nito at isang maitim at walang hugis na bunton na mistulang isang bundok sa kadiliman. Tumawid si Basilio tungo rito sapagkat sa tabi ng gumuhong pader ay ang isang puntod na sadyang banal para kay Basilio –ang puntod ng kanyang ina.
13 taon na ang nakalipas nang mamatay ang kanyang ina sa gitna ng matinding pagdaralita. Sugatan at iika-ika itong nakarating sa pook na ito sa paghahabulan nila. Hibang at tigib sa takot, dito ito binawian ng buhay at may dumating na lalaking nag-utos na lamang kay Basilio na kumuha ng mga panggatong. Sumunod siya at nagbalik, at nakita niya na may isa pang di kilalang lalaki na nasa tabi ng bangkay ng nauna. Tinulungan siya nitong magparikit ng apoy na pagsusunugan nila ng bangkay ng di kilalang lalaking namatay, at humukay sa libingan ng kanyang ina. Matapos ay inabutan siya ng salapi at inutusang tumakas.

Istorya ni Basilio:

Nilisan niya ang lugar na ito at nagtungong Maynila upang magpaalipin sa mga mayayaman upang sabay nito ay makapag-aral. Nakipagsapalaran siya sa pagpunta hindi alintana ang gutom. Dumating siya sa Maynila na nanlilimahid at may sakit—nagbahay bahay siya upang ialok ang kanyng paglilingkod ngunit walang tumatanggap sa kaniya dahil nga naman isa itong paslit na probinsyanong may sakit na wala man lang alam ni isang salitang Espanyol. Nawalan siya ng pag-asa at ilang ulit siyang natuksong magpasagasa na lang sa mga karwaheng dumadaan. Isang araw, nakita niya ang karwahe nina Kapitan Tiago at Tiya Isabel at dahil sa malungkot si Kapitan Tiago sa pagkakapasok ni Maria Clara sa Beateryo, tinanggap siya bilang utusan, walang upa ngunit makapag-aaral siya kailanman niya gustuhin sa San Juan de Letran.
Pumasok siya sa unang taon ng pag-aaral ng Latin kahit na gusgustin at bihis dukha; pagkakita ng kanyang mga guro sa kanyang ayos, nilayuan na siya pati ng kanyang mga kaklase. Sa loob ng walong buwan ng pag-aaral, tangging ang pangalan niya lamang sa listahan ang masasabing palatandaan na parte siya ng klase sapagkat ni minsay ay hindi ito tinawag o tinanong ng guro.
Pag darating ang pasko at babalik sa Sandiego si Kapitan Tiago, sinasama siya at doon niya sinasabi sa puntod ng kaniyang ina ang mga hinanakit niya at problema. Nagsikap siya at isinaulo ang lahat ng mga aralin kahit na hindi niya naiintindihan ito. Pumapasok kse noon ang mga bata sa kolehiyo hindi upang matuto kundi upang matapos ang kurso. At kung maisaulo nila ang mga aklat, wala nang maaari pang hingin kaya’t nakapapasa sa pagtatapos ng taon.
Sa pamamagitan ng pagsagot na wala man lang iniwang kuwit, nagtamo siya ng marking aprobado sa labis na pagkamangha ng mga tagasulit. Sa ikalawang taon niya, dahil nanalo ng malaki ang manok ni Kapitan Tiago na ipinalaga sa kanya ay binigyan siya nito ng malaking pabuya na agad naman niyang ibinili ng sapatos at sombrerong fieltro.
Nabago ng bahagya ang kanyang palad pagtuntong niya sa ikatlong taon; Naging gurop niya ang isang dominikong masayahin, palabiro at mapagpatawa sa mga mag-aaral, may katamaran sapagkat sa ilang kinalulugdang mga mag-aaral niya ipinauubaya ang mga aralin. Isang araw napag tripan siya ng guro (sapagkat sa isip nito ay may pagka-kulangkulang si Basilio kaya’t tinangka niyang patunayan ito as pamamagitan ng pagtatanong dito tungkol sa aralin). Ang problema nga lang nasagot ito ni basilio nang walang pagkakamali kaya binansagan siyang loro ng guro, at nagbigay pa ng patawa sa klase at nagtanong pa ulit kay Basilio upang patunayan na maaliw nga sila. Mabuti na lamang at marunong na noon si Basilio ng Kastila kaya’t sumagot ito na hayag ang hangaring hindi magpapaphalakhak sa kahit sino. Dahil dito, hindi na siya tinawag pang muli.
Noong ikaapat na niyang taon, naipasa parin niya ang Latin kahit na natukso itong isuko na ang pag-aaral May isang guro doon na itinuturing bilang pantas, dakilang makata, at may maunlad na pagkukuro. Isang araw na kasamang namamasyal ang mga mag-aaral, napaaway ito sa ilang kadete na humantong sa isang labo labo at hamunan. Sa pagkakataong ito, sinabi ng guro na ang mga sasali sa sagupaan sa darating na linggo na iyon ay bibigyan niya ng mga matataas na marka, at napatanggi si Basilio sa isa sa mga labanan na iyon. Dahil dito at sa kanyang pagsisikap nagtamo siya ng grading sobresaliente na may kasama pang medalya noong taong din yon. Sa nakitang ito, inudyukan siya ni Kapitan Tiago na lumipat sa Ateneo Municipal na nasa tugatog ng katanyagan noon.
Tinapos niya ang kanyang Batsilyer sa gitnan ng kasiyahan ng kanyang mga propesor, ipinagmalaki sya ng mga ito at inanyayahan pang daanin sa isang pagsusulit si basilio ng mga huradong Dominiko
Noong una nais siyang maging abogado ni kapitan Tiago ngunit mahabang salaysayin pa ito bago ito maging abogado at pagkatiwalaan ng mga kliente dito sa Pilipinas kaya naman pumayag na itong mag medisina si Basilio sapagkat naisip niya na nakakapagtistis na si basilio ng mga bangkay kaya’t magagamit ito sa lason na ilalagay sa tari ng kanyang panabong na manok ( dugo ng Intsik na namatay sa sipili).
Ipinagpatuloy ni Basilio ang kanyang pag-aaral at sa ikatlong taon ay nakapanggagamot na, kaya naman kumikita na siya ng sapat upang makapagbihis ng marangal at upang makapag-impok ng kahit papaano. Huling taon na niya ngayon at dalawang buwan na lang ay magiging ganap na doctor na siya. Pakakasalan niya si Juli at siya rin ang magbibigay ng speech sa kanyang graduation

Kabanata 7

•January 9, 2008 • 27 Comments

Kabanata 7:Simoun

Malapit sa puntod na pinanggalingan ni Basilio may nakita siyang di kakilalang lalaki sa malayo at yun ay si Simoun. Naghuhukay ang alahero, walang suot na salaming asul kaya naman nagbago ang anyo nito. Kinilabutan si Basilio dahil alam niyang ito rin ang di kilalang lalaki na humukay ng paglilibingan ng kanyang ina labintatlong taon na ang nakalipas, higit na matanda nga lamang ngayon, may puti na ang buhok, maybigote at balbas ngunit iyon parin ang mga mata nito at ang mapanglaw na mukha.
Naisip niya na samakatuwid na ang namatay o naglaho na tagapagmana ng lupaing ito ay walang iba kundi ang alaherong si Simoun—napagtagpi-tagpi na ni Basilio na si Simoun nga si Crisostomo Ibarra.
Nilapitan niya ito at tinanong kung may matutulong siya. Sa pagkagitla ni Simoun, tinanong niya si basilio kung alam ba niya kung sino siya at sumagot si Basilio na isa raw siya sa mga taong itinuturing niyang banal sapagkat 13 years ago tumulong ito sa kanya sa paglilibing ng kanyang ina. Sumagot si Simoun na taglay ni Basilio ang lihim na maaaring makasira sa kanyang mga balak.

Istorya ni Simoun:

Siya nga ang may sakit at kalunos-lunos na nagtungo rito 13 years ang nakalipas upang mag-ukol ng huling pagpapahalaga sa isang dakilang kaluluwa na maringal na yumakap sa kamatayan alang-alang sa kanya. Sinawi ng isang pusakal na sistema, naglagalag si Simoun sa iba’t ibang part eng mundo upang magpayaman at maisakatuparan ang kanyang mga balak. Nagbalik siya upang wakasan ang sistemang ito sa pamamagitan ng lalong pagpapadali sa pagkabulok nito.

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 30 other followers