Kabanata 21

Kabanata 21: Mga Ayos-Maynila

Sa kabanatang ito, makikita ang hitsura ng Maynila kapag mayroong mga dumarayong dayuhang palabas. Maraming tao sa teatro ng Variedades sapagkat mayroong pagtatanghal ang isang nagngangalang Ginoong Jouy. Ang palabas ang isang dulang Pranses na pinamagatang “Les Cloches de Corneville”. Ika-pito at kalahati pa lamang ng gabi ay wala ng tiket kaya’t pati si Padre Salvi ay wala na rin daw makuha. Sa “entrada general” ay may mahabang pila ng mga tao na nagnanais pang pumasok. Ang dulaan ay nagliliwanag ng mabuti, may mga bulaklak at halaman sa mga pintuan at bintana at may makapal na tao na parang kalamay na hinahalukay kung saan maririnig ang mga tawanan, bulungan at batian.
Sa kabanatang ito, makikilala natin ang dalawang bagong tauhan. Ang una ay si Camaroncocido. Siya ay mapapansing tila di-kahalo sa mga nag-uumpukang tao. Siya ay mataas na lalaking payat, marahang lumakad na parang kinakaladkad ang isang paa na tila naninigas, abuhin ang kulay ng kanyang buhok na mahaba at kulot sa dulo na wari’y buhok ng isang makata. Nakasout siya ng isang amerikanang kulay-kape at pantalong pari-parisukat ang guhit at mayroon din siyang sombrerong “hongo de arte”. Siya raw ay anak ng isang tanyag na angkang Kastila ngunit nabubuhay na tila isang pulubi.
Ang ikalawa ay si Tio Kiko. Siya naman ay isang matanda at pandak na lalaki. Mainam daw siyang kabaligtaran ni Camarococido. Mayroon siyang takip sa ulong sombrero de copa, nakadamit ngt lebitang maluwang at napakahaba ngunit ang kanyang pantaloon ay napaka-ikli, nakasapatos ng yaong malalaki ng marinero, may balbas at patilya na mapuputi at kayumanggi ang balat. Nabubuhay siya sa pagdidikit ng mga kartel, paglalathala at pagbabalita ng mga palabas.
Ayon kay Camaroncocido, ang mga prayle sa pamumuno ni Padre Salvi, at ang mga hindi pari, sa pamumuno ni Don Custodio, ay tutol sa pagtatanghal ngunit sa totoo raw ay nagnanais ring makakita ng mga naggagandahang babae sa pagtatanghal. Ngunit ang ilan ay sang-ayon naman daw katulad ng mga opisyal ng hukbo at pandigmang-dagat, ayudante ng Heneral, mga kawani at matataas na tao, mga taong nakadalaw na sa Paris, mga lalaking wala pang katipan at yaong mga nagsasabing sila ay bihasa sa salitang Pranses.
Naririto rin si Padre Irene na nagtutungayaw sa operetang Pranses. Makikita rin dito si Ben-Zayb na nangangatal sapagkat natatakot na mahulian siya ng kamalian sa kanyang pagbabasa ng salitang Pranses.
Napuna dito ni Camarococido ang ilang taong hindi kilala na aali-aligid sa teatro. Nakita niya rito ang isang pulutong na tila may kausap na naka-anyong militar at ito ay si Simoun. Sa kabanatang ito, maaaring ang pag-aalsa ay magsisimula na sapagkat dito narinig ni Camarococido ang mga salitang “ang hudyat ay isang putok” ngunit siya ay nagkibit-balikat lamang.
Makikita rin sa kabanatang ito si Tadeo, na kung saan, lubos ang kanyang pagpapasikat sa kanyang bagong kasama. Ipnangangalandakan niya na kilala niya halos ang lahat ng mga taong sikat na nasa dulaan ng gabing yaon. Hindi siya makapasok sapagkat naubusan na siya ng tiket. Sa bandang huli, dumating sina Macaraig, Sandoval, Isagani at Pecson. Si Basilio ay mayroon daw gagawin kaya’t hindi ito nakasama, dahilan upang ang tiket nito ay mapunta kay Tadeo.

About these ads

~ by rainargifel on January 9, 2008.

17 Responses to “Kabanata 21”

  1. nice u really help the student

  2. Napaka Haba para maging summary, pero pwede na rin,,, maraming salamat,,

  3. maraming salamat…alam mo ba na napakadami kong ginagawa at kahit anong basa pa ang gawin ko sa El Fili diko na talaga maintindihan…ty…ty

  4. aus,,,

  5. ano po ang nais iparating ni jose rizal dito sa kabanatang ito?

  6. Buod poh ba to pero prang mahaba ehhhhh…
    pero thanks pa din poh

  7. nice. :)

  8. ano ang ibig sbihin ng Las Cloches Corneville

  9. ano nag ibig sabihin ng Las Cloches Corneville

  10. ano ang ibig sabihin ng Las Cloches de Corneville

  11. awesome!

    thanks po dito.

  12. bat gnun ??

  13. Thanks so much! :)

  14. tite nyo kulubot

  15. bu0d na ba yan?

  16. wla pung tauhan ?

  17. ang haba nmn ng buod nyo s kab.21!
    ms mhaba dun s nkalgy s book nmin!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 30 other followers

%d bloggers like this: