KABANATA 36

KABANATA 36
MGA KAGIPITAN NI BEN ZAYB

SI Ben Zayb ay dali-daling umuwi sa kanilang bahay at nagsulat ng ukol sa nangyari sa kasalan. Sa kanyang mabulaklak na salaysay ay kung anu-ano ang mga kasinungaling inilagay at ginawa. Ipinakita ang pagkabayani daw ng Kapitan Heneral at ang katapangan ni Padre Irene sapagkat ito ay dumaan sa ilalim ng mesa sa paghahabol sa nagnakaw ng lampara. Nagsulat, nagbura, nagdagdag at nagkinis si Ben Zayb upang lumabas na dakila ang kanyang sulatin at pawang katotohanan lamang. Kinabukasan sa kanyang pgakamangha ay ibinalik sa kanya ang kanyang lathala at hindi naimprinta sapagkat ayaw daw ng Kapitan Heneral na may lumabas na kahit anong balita ukol sa nangyari ng nakaraang gabi sa kasalan. Ito ay lubhang ikinalungkot ni Ben Zayb at ayon sa kanya maihahantulad daw ito sa pagpatay sa isang anak na maganda at matapang na dalaga! Ang gayong karaming paghihirap ay hindi pwedeng walang gantimpala sa Diyos kung kaya’t wala pang isang araw at mayroon na namang isang balita siyang tinanggap na pwedeng isulat at malathala! Ang balita : “Ang mga tulisan ay lumusob at nakakuha ng mahigit sa dalawang libong piso at sinugatan ang pari at dalawa pang alila. Ang kura ay nagkasira-sira ang kamay sa paggamit ng isang silya bilang pananggol!”. Ang itinala naman ni Ben Zayb ay “apatnapu o limampung tulisan sa paraang pataksil,l mga rebolber, itak, eskopeta, pistola, leong nananandata, silya, mga tatal, sinugatan ang walang kaawa-awa…sampung libong piso…”. Hindi pa nakontento si Ben Zayb sa narinig kung kaya’t pumunta sya sa pinangyarihan ng krimen at doon ay napag-alaman na si Padre Camorra ay nasugatan lamang ng munti sa kamay at isang bukol sa ulo, ang tulisan ay tatlo lamang at pawang itak ang ginamit, ang halagang ninakaw ay limampung piso! Ang mga tulisan ay nahuli at sinabi na ang may pakana ng lahat ay isang lalaking kamukha ni Simoun sa kanilang pagkakalarawan. Noong una ay hindi makapaniwala ang mga maykapangyarihan at mga pari subalit ng mapansing nawawala nga si Simoun ay naniwala na din at sya ay ipinahahanap sa mga guardia sibil.v Makikita natin si Ben Zayb na isang walang kwentang tao at nagpapanggap na matalino subalit hindi naman. Ipinapahiwatig dito ni Rizal ang kamangmanagan at pagbabalatkayo ng mga Espanol noong panahon na iyon at dahil sa kanilang mabulaklak na pananalita ay napapaniwala ang mga indio. At makikita din natin na sa kabanatang ito unang nalaman ng mga maykapangyarihan na si Simoun ang ulo ng mga tulisan.

About these ads

~ by rainargifel on January 9, 2008.

4 Responses to “KABANATA 36”

  1. This is so cool because it’s a different version of the summary that I found in the net…masyado nang gamit yung nasa joserizal.ph
    halatang halata sa guro… :P

  2. ……………….

  3. salamat po! :))

  4. yey tnx

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 29 other followers

%d bloggers like this: