KABANATA 39

KABANATA 39
ANG PAGTATAPOS
Si Simoun ay sugatan at nanghihinang kumatok sa tahanan ni Padre Florentino, ang amain ni Isagani. Walang tanong-tanong ay buong pusong tinanggap ng indiong si Padre Florentino si Simoun at pinagyaman ang maysakit. Inisip na lamang nya na kaya ganoon si Simoun ay dahil umalis na ang kaibigan nitong Kapitan Heneral kung kaya’t hinahabol sya ng mga naiinggit sa kanyang kayamanan at yaong kinuhanan nya ng mga kayamanan. Nang araw ding iyon ay may dumating na sulat na nagsasabing may huhulihin silang tao sa bahay ni Padre Florentino buhay man o patay ay huhulihin nila ito. Sa pag-aakala ni Don Tiburcio de Espadana na noon ay nakikitira kay Padre Florentino na sya ang huhulihin at dahil kagagawan iyon ng kanyang asawa ay dali-dali syang nag-empake at umalis upang hindi abutan ng mga guardia sibil. Kahit anong paliwanag ni Padre Florentino na si Simoun ang pinatutungkulan ng sulat ay hindi naniwala si Don Tiburcio at umalis pa din ito. Samantala, hindi alam ni Padre Florention kung ano ang gagawin kay Simoun, patatakasin ba ito o ano, kung kaya’t sinabi niya kay Simoun ang ukol sa sulat at nagulat siya sapagkat ayaw ni Simoun na tumakas at ngumiti pa ito ng pauyam. Umalis ang pari at pagbalik ay napansing nahihirapan si Simoun kung kaya’t kanyang tinanong at sinabi nito na “Opo, konti lang po…ngunit sa loob ng ilang sandali ay matatapos na din ang paghihirap ko!” At nalaman ni Padre Florentino na uminom pala ng lason si Simoun. Mas nanaisin pa daw nitong mamatay kaysa mahuli ng buhay ninuman. Bago malagutan ng hininga si Simoun ay ipinagtapat niya kay Padre Florentino ang lahat ng kanyang lihim na siya si Crisostomo Ibarra na nagbagong anyo upang maghigante subalit siya ay nabigo. Ayon kay Pdre Florentino ang kanyang pagkabigo ay kagagawan ng Panginoon sapagkat hindi Nito nais ang paraan na pinili ni Simoun. Ang kailangan ng bayan ay magtiis at gumawa upang makamtam ang kanyang layunin at tanging pag-ibig lamang ang makapagliligtas. Sa pagtatapos ng kanilang usapan ay wala ng buhay si Simoun at itinapon na ni Padre Florentino ang baul ng kayamanan ni Simoun sa dagat Pasipiko.

 Sa katapusan makikita natin na inamin ni Simoun na sya ay nagkamali subalit pinanindigan pa din na dapat makamtam ng mga Pilipino ang kalayaan sa mapagparusang kamay ng mga Kastila. At hindi pinahintulot na sya ay mahuli ng buhay mas ninais pa niyang mamatay na lamang. Ipinakita din ang pagkakaiba ng kanilang pananaw ukol sa paghihiganti, Diyos, at sa mga paraan Nito. Nakita din natin ang kabutihan ng isangn paring indiyo at ang kasawian at katapusan ni Ibarra na nagpanggap na si Simoun.

About these ads

~ by rainargifel on January 9, 2008.

17 Responses to “KABANATA 39”

  1. salamat po inpormasyon

  2. salamat po sa mga informasyon…..hehehehe

  3. ano pong pagkakaiba ni simoun sa el fili at ni ibarra sa noli?

  4. salamat..isa itong malaking tulong para isang mag-aaral na tulad ko..

  5. so beautiful story of dr. jose rizal.

  6. thank you your comment about the story writen by dr. jose rizal.

  7. di nmn buod yan eh,, ang haba pa din ang buod maikli lng,, ung im4rtante lng ang kinukuha!!!!11

  8. astiga ui

  9. thnk you s smulat nto..

  10. tnx so much..

  11. napakagandang kwento

  12. very helpful…thanks.

  13. totoo pu bang uminom si simoun ng lason kasi pu ung ibang libro hindi pu nakasaad na uminom ng lason si simoun? kung meron man anung libro pu yun?

  14. salAmat!

  15. galing ng el filibusterismo ”the best”

  16. tnx po……:p

  17. this would be useful by the way :D . thanks for posting it!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 30 other followers

%d bloggers like this: