Kabanata 25

Kabanata 25: Tawanan at Iyakan

Ang mga kabataan ay nagtipon sa “Pansiteria Macanista de Buen Gusto”. Dito ay nagkakatawanan sila at nagbibiruan ngunit halatang pilit sapagkat sila rin ay kinabakabahan sa maaaring maging katugunan ni Don Custodio sa kanilang hiling. Sa pangalawang pagkakataon, wala muli rito si Basilio na ayon kay Tadeo ay marami raw lihim na nalalaman..
May mga handang pagkain dito at ang mga ito ay inialay nila sa mga ilang taong kilala. Ang “pansit lanlang” ay inialay nila kay Don Custodio dahil katulad daw ng huli, ang pansit lanlang ay maraming sahog. Ang ikalaw ay ang “lumpiang intsik” na inialay nila kay Padre Irene ngunit ang ilan ay tumutol sapagkat si Padre Irene ay hindi raw kumakain ng ilong ng baboy. Ang ikatlo ay ang “tortang alimango” na inialay naman nila sa nga prayle dahil daw sa kanilang “pagka-alimango”. Ang huli ay ang “pansit gisado” na inialay nila sa pamahalaan at bayan ng Pilipinas. Nararapat lamang daw na ito ay sa Pilipinas ipatungkol sapagkat hindi raw kilala sa Tsina ni sa Hapon ang pansit. Ang ilan ay nagmungkahi na ialay ito kay Quiroga na nagnanais magtatag ng konsul. Ang ilan ay nais itong ialay sa Eminencia Negra, na siya naming si Simoun. Dahil dito, ang mga kabataan ay nagkagulo kaya’t inatasan ni Macaraig si Tadeo na magtalumpati. Tinutulan naman ni Sandoval ang talumpati ni Tadeo sapagkat ito raw ay halaw sa talumpati ng Puno ng kanilang Liceo ngunit nagpatuloy parin si Tadeo. Nabanggit rin dito ni Pecson ang tungkol sa mga prayle na kung saan, ito raw ay kasa-kasama natin mula pagkabuhay hanggang pagkamatay sapagkat lahat daw ay pinamumunuan at pinanghahawakan nila.
Sa huli, ay nagkagulo silang muli sapagkat mayroon daw nagmamatyag sa kanila at sinabing ito raw ay ang tauhan ng Vice-Rector.

110 thoughts on “Kabanata 25

  1. ipaliwanag nga ho kung bakit pinamagatan ang kabanatang ito ng “tawanan at iyakan”..kailangan po kasi sa report namin..tHanks…

    1. sa akin pong palagay, kaya ito pinamagatan na tawanan at iyakan sapagkat nagsasaya sila, nagtatawanan, ngunit sa kabila ng kanilang tawanan ay naroon ang paghihinagpis at pagtangis(pag-iyak) dahil sa hindi pagkakatupad ng kanilang mithiin na pagpapatupad ng Akademya ng wikang Kastila.
      Maari ring pinamagatan ang kabanatang ito ng Tawanan at Iyakan sapagkat nagkatipon tipon sila at nagkatawanan ngunit sa kanilang pagtitipon ay pawang hinanakit ang lumalabas na salita sa kanilang mga labi kaya’t masasabing sila’y umiiyak o tumatangis. =)

  2. wow! great source. liked it 😀
    its the most unique blog i have read.. with such short article can provide sufficient information for a report or two in this chapter. great work 😀

    *agui ‘d best 😀

  3. iPinApAkitA laMang nA aNg mgA pRAyLe nOon aY ipInAgkAkait aNg kArapatan nG mgA PilipinOng estUdyAnte nA mAitAyo aNg akAdeMya ng wikAng kAstiLA.. nAtAtakOt siLA nA mAgkArOon ng sApat nA kaalAmAn aT kAruNungAn aNg mgA ito..daHiL sA mAaariNg mAgkArOon ng himAgsikAn aNg mgA estUdyAnte labAn sA mga pRAyLe upAng mAtamo aNg kaLAyaaN..

    1. kung sakaling hindi pa ako late, iyak kasi hindi na-aprubahan yung request nila, tawanan dahil pinagkatuwaan nila ang mga pagkain dahil hinalintulad nila ang mga ito kila don custodio etc.

  4. ang ganda ganda tlga ng novela ni dr.jose rizal,,,,i love it!jejeje,,,xna xah mag ngpost ng mga kavanata nat ito,,,,ai mgvigai ng tulong xah mga mllalalim nah xalitah pora mvilix mah getz.

  5. kinopya ko pdin khit nakakalito basta may ma report lang sa filipino ?
    pero parang nakakagago yan buod na yan…
    parang ewan !…..
    bahaLa na kung anu mang yayari bukas sa report ko dyan sa kabanata 25?

  6. ano yung simbolismo sa mga pagkaing inihain ng mga estudyante??

    tsaka bakit nagalit ung mga estudyante sa kinahinatnan ng academia?ano bang ayaw nila sa desisyon ni don custodio na ibigay sa mga agustino ang pamamahala sa academia???

    msyado na kcng mabababaw ang mga paliwanag sa mga libro.
    pkisagot nlng kung alam mo. .tnx

  7. Napakagandang buod ! nAktUlong Upang MaPalawaK ang Aming kAalaman ! Gusto Kong iPabatid Na Tayo ay Mgkapit Bisig !! Mga KabAbAyan ko !! Dpat na MlamAn Nu ! Bilib Ako Sa Kulay KO ! AKO AY PILIPINO !!!!!!!

  8. its good enough…para makakuha ako ng source…for my proj….
    but i want to know why the title is…TAWANAN AT IYAKAN??

  9. sa akin pong palagay, kaya ito pinamagatan na tawanan at iyakan sapagkat nagsasaya sila, nagtatawanan, ngunit sa kabila ng kanilang tawanan ay naroon ang paghihinagpis at pagtangis(pag-iyak) dahil sa hindi pagkakatupad ng kanilang mithiin na pagpapatupad ng Akademya ng wikang Kastila.
    Maari ring pinamagatan ang kabanatang ito ng Tawanan at Iyakan sapagkat nagkatipon tipon sila at nagkatawanan ngunit sa kanilang pagtitipon ay pawang hinanakit ang lumalabas na salita sa kanilang mga labi kaya’t masasabing sila’y umiiyak o tumatangis. =)

  10. . .maraming salamat poh sa bu0d wah. .naging madali p0h ang paggawa q sa aking assignment. .God bless y0u all! 0:)

  11. .wla bang script ito? kailangan q kc ung script ng kabanata 23 to 26 eh.. cnu po sa inyo ang may alam na website? ^^

  12. kaya “tawanan at iyakan” ang pamagat ng kabanata 25 dahil nagsasaya sila sa kabila ng naging desisyon ne don custodio sa panukalang akademya ng wikang kastila.Sa halip na dibdibin nila ang pagpapatupad sa akademya ng wikang kastila.minsan na ngang nabanggit sa el fili na “kailanman ay hindi matatalo ng palayok ang kawali”

Leave a comment